-- Advertisements --

Hindi rin nagpahuli sa unang panalo ang Orlando Magic nang igupo ang Brooklyn Nets sa overtime, 128-118, sa pagbabalik ng NBA season.

Agad na nagpakitang gilas si Nikola Vucevic na walang epekto sa kanya ang halos apat na buwan na lockdown nang iposte niya ang 22 points, 7 rebounds at five assists.

Umasiste naman sa kanya si Evan Fournier na nagpakita ng 24 points para sa kanilang 31-35 record.

Sa kampo ng Nets highest pointer si Timothe Luwawu-Cabarrot kahit na nagmula ito sa bench nang magpakawala ng 24 points.

Ang Portland Trailblazers naman ay nangailangan ng overtime game bago tuluyang makaalpas sa Memphis Grizzlies, 140-135.

Bumida si CJ McCollum sa kanilang debut sa NBA bubble nang kumamada ng 33 points at six assists para sa Blazers (30-37).

Katuwang naman niya si Damian Lillard na may 29 points.

Samantala, ang Phoenix Suns ay nakaisa na rin ng panalo nang itumba ang Washington Wizards, 125-112.

Umangat ang Laro ni Deandre Asto na may 24 points at 12 rebounds at si Devin Booker naman ay nagbuslo ng 27 points.

Nauwi naman sa kamalasan ang natikman ng Wizards kahit si Rul Hacimura ay umarangkada ng husto sa 21 points at 8 rebounds.

Sa isa pang game, nagawang maharang ng San Antonio Spurs ang pamamayagpag ng Sacramento Kings, 129-120.

Kahit naka-39 points si De’Aaron Fox, hindi pa rin ito umubra sa paghahangad ng Spurs sa pangunguna ni DeMar Derozan na may 27 points at 10 assist.