-- Advertisements --

Itinuturing ngayon ng San Antonio Spurs na isang malaking setbaks sa kanilang koponan ang hindi paglalaro ng kanilang All-Star Center na si Victor Wembanyama.

Ayon sa Spurs na nagtamo ng blood clot sa kaniyang kanang balikat ang French player.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng doktor na agad itong isailalim sa operasyon kaya hindi ito pinaglalaro sa natitirang season.

Ang 7-foot-3 na player ay naging number 1 overall pick ng Spurs noong 2023 NBA Draft.

Mayroon itong average points na 24.3, 11 rebounds, 3.8 blocks at 3.7 assists.