-- Advertisements --

Hindi na makakabalik mga natitirang laro ngayong season ng NBA si San Antonio Spurs head coach Gregg Popovich.

Ito ay matapos na makaranas ng mild stroke noong Nobyembre 2.

Mula sa nasabing panahon ay hindi na naka-dalo sa mga laro ng Spurs.

Una ng sinabi ng 76-anyos na NBA all-time leader noong Disyembre na patuloy ang kaniyang pagpapagaling para makabalik na sa coaching.