-- Advertisements --

Nananatiling buhay ang pag-asa ng San Antonio Spurs na makapasok sa playoffs matapos nilang dominahin ang Houston Rockets, 123-105.

Namayani si Keldon Johnson sa hanay ng Spurs na umiskor ng 24 points at 11 rebounds, at dinagdagan ni DeMar DeRozan ng 23 points.

Ang nagbabalik namang si Russell Westbrook ang sinandalan ng Houston sa naitala nitong 20 points, ngunit may pitong turnovers.

Maaalalang pansamantalang nawala sa eksena si Westbrook dahil nagpagaling pa ito mula sa tinamo nitong pasa sa kanang quadriceps.

Maliban kay Westbrook nag-ambag si Jeff Green ng 17, habang may 16 si Ben McLemore.

Hindi naman naglaro muna sina James Harden na nagpahinga, maging si Eric Gordon na may ankle injury.

Nakuha ng Spurs ang kontrol sa laro noong second quarter kung saan na-outscore nila ang Rockets 35-24.

Umabot din hanggang sa 29 puntos ang abanse ng San Antonio.