-- Advertisements --

SAN ANTONIO – Nahabol na rin ng San Antonio Spurs ang winning record ng Golden State Warriors matapos na talunin ang Atlanta Hawks sa score na 107-99.

Kapwa na ngayon hawak ng Spurs at Warriors ang 52-14 win-loss record habang meron pang  16 na games ang nalalabi bago ang playoffs.

Kaabang-abang din ang nalalapit na huling regular-season matchup sa pagitan ng dalawang leading NBA teams na magaganap sa March 29.

Sa naging laro kanina ng Spurs nagawa nilang maipanalo ang laban kahit umabot sa season high na 23 turnovers ang kanilang naging kamalian.

Nagpakitang gilas si Kawhi Leonard sa kanyang pagbabalik sa team na nagtapos sa 31 points.

Isang laro rin siya na hindi nakasama ng koponan dahil sa concussion.

Sa kabila ng maraming sablay ng Spurs, naipasok naman nila ang kabuuang season-high na 16 na 3-pointers para sa kanilang ika-19 na straight home victory kontra sa Atlanta.

Naputol din ng San Antonio ang tatlong sunod-sunod na panalo ng Atlanta.

Ang point guard ng Hawks na si Dennis Schroder ay may 22 points at 10 assists.

Habang nagdagdag naman si Tim Hardaway Jr. ng 17 points.

Tumulong din sa panalo ng San Antonio ang starting guards na sina Patty Mills na nagbuslo ng 15 habang si Danny Green ay nagtapos sa 14.

Ang pansamantalang ipinalit kay LaMarcus Aldridge dahil sa minor heart arrhythmia ay si David Lee na tumipa ng 14 points.

Hindi rin nakapaglaro sa Spurs dahil din sa injuries sina Tony Parker at Dejounte Murray.

Sunod na makakaharap ng Spurs sa Huwebes ay ang Portland.