-- Advertisements --

Ginulat ng San Antonio Spurs ang Boston Celtics matapos na walisin ang 24 points deficit at pahiyain sa score na 96-86.

Dahil dito nalasap ng Boston ang ikalawang sunod na talo para sa kanilang record na 10-10 habang nangungulelat sa 5-13 record ang Spurs.

Nanguna sa pagbangon sa final minutes si Dejounte Murray na kumamada ng 29 points at 11 rebounds upang mahabol ang Boston.

Natuldukan naman ng San Antonio ang kanilang kamalasan na anim na sunod na talo.

Malaking tulong din naman ang ginawa nina Keldon Johnson at Derrick White na may tig-17 points, habang si Tre Jones ay nagtala ng career-high na 12 points para sa San Antonio.

Samantala nasayang ang ginawang pagkayod ni Jayson Tatum na tumirada ng 24 points at kumuha ng 12 rebounds.