-- Advertisements --
Pinasalamatan ni San Antonio Spurs pointguard Patty Mills matapos mapili siya na maging flag bearer sa opening Tokyo Olympics ng bansang Australia.
Makakasama niya bilang flag-bearer si two-time swimming gold medalist Cate Campbell.
Ang 32-anyos na Kokatha, Naghiralgal at Dauareb-Meriam native ay magiging kauna-unahang indegenous Australian na magdadala ng watawat.
Bukod sa pagiging basketbolista ay isinusulong din nito ang social justice kung saan ibinigay niya ang parte ng kaniyang sahod sa black-lives-matter movement.
Magugunitang noong Sydney Olympic Games 2000 ay naging unang Indigenous Australian athlete si Cathy Freeman na nagsindi ng Olympic torch.