-- Advertisements --

Nagtala ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama.

Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro.

Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130.

Sa edad nitong 20-anyos at 314 na araw ay kasali na siya sa listahan na unang naitala nina Devin Booker, LeBron James at Brandon Jennings.

Siya rin ang pang-walong manlalaro sa kasaysayan ng Spurs na nagtala ng 50 points.

Nangunguna pa rin sa Spurs ang ginawang 71 points ni David Robinson ng talunin nila ang Los Angeles Clippers noong huling araw ng 1993-1994 season.