-- Advertisements --

Tumipa ng 21 points si LaMarcus Aldridge, na dinagdagan ni DeMar DeRozan ng 20 upang bitbitin ang San Antonio Spurs tungo sa 107-102 pagdomina sa Miami Heat.

Nagmintis ang pinakawalang 3-pointer ni Duncan Robinson ng Miami sa nalalabing 10.2 seconds, rasyon para hindi na makausad pa ang Heat 105-102.

Na-foul ng Miami si Marco Belinelli, na naipasok ang dalawang free throws upang tapusin ang scoring.

Sumandal kay Bam Adebayo na pumoste ng 21 points, 16 rebounds at anim na assists ang Heat, na tagumpay sa huli nilang dalawang laro.

Habang ang Spurs ay nakabangon makaraang magpasabog ng 14-point lead sa fourth quarter kontra sa Atlanta sa 121-120 pagkabigo nila noong Sabado.

Binuksan ni Robinson ang laro sa pamamagitan ng pagpapakawala ng apat na 3-pointers para sa Heat, na nagtala ng 11 puntos na abanse.

Gumanti naman ang Spurs sa pamamagitan ng pagbuhos ni Patty Mills ng 14 points nitong first at second quarters.

Sa darating na Martes, sasagupain ng Heat ang Sacramento Kings.

Samantalang tutungo naman sa Phoenix ang Spurs para harapin ang Suns.