-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Russian President Vladimir Putin na nakagawa na ang Moscow Gamaleya Institute ng kauna-unahang coronavirus vaccine matapos ang halos dalawang buwan na human testing.

Una raw nakatanggap nito ang anak na babae ni Putin. Ayon pa sa Russian president ligtas umano ang naturang gamot at siguradong napapabuti nito ang immunity ng isang indibidwal.

Ayon sa World Health Organization (WHO), aabot ng halos 100 possible COVID-19 vaccines ang kasalukuyang dinedevelop sa buong mundo kung saan apat na ang nasa phase 3 human trials.

‘I know that it works quite effectively, forms strong immunity, and I repeat, it has passed all the needed checks,’ wika ni Putin.

Sa ngayon ay bibigyan ng oportunidad ang mga health workers mula Russia na maging parte ng human trials.