-- Advertisements --

Naurong sa Abril 28 ang pagdating sa bansa ng COVID-19 vaccine na gawa ng Russia na Sputnik V.

Nakatakda sana dumating ito nitong Linggo Abril 25 subalit dahil sa ‘logistical reason’ umano ay inilipat ito sa Abril 28.

Ayon sa National Task Force against COVID-19 na bukod sa 15,000 na doses na darating sa 28 ay mayroon pang karagdagang 480,000 na darating sa Abril 29.

Nauna ng sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na nakikipag-negosasyon sila na makabili ng 20 milyon doses ng nasabing Russian made-vaccine.

Subalit nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi lahat ng mga local government unit ay makakatanggap ng bakuna mula sa Russia dahil sa storage requirements nito.