Patay ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) Southern Tagalog kabilang na ang kanilang spy at revolutionary tax collector sa naganap na engkwentro pasado alas-2:00 ng madaling araw kahapon sa Brgy San Juan, Baras, Rizal.
Ayon kay 2nd Infantry Division spokesperson Captain Jayrald Ternio, isisilbi lang sana nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang warrant of arrest laban sa isang Antonio Cule alyas Dad ang pinuno ng finance staff and execom member ng SRMA4A dahil sa kasong murder.
Pero agad daw silang pinagbabaril ng mga NPA kaya nagkaroon ng labanan na ikinasawi ng limang NPA.
Kinilala ang dalawa sa limang nasawi na sina alyas na Sandra, asawa ni alyas Luis, secretary of guerilla front Cesar na siyang revolutionary tax collector at alyas Onli ang intelligence officer.
Sa ngayon pinaghahanap pa ng tropa ng militar si alyas Dad na target ng warrant of arrest.
Nakuha sa pinangyarihan ng shootout ang dalawang M16 rifle, isang kalibre .45 baril, isang caliber .38 pistol, isang Uzi rifle, at mga electronic devices.