-- Advertisements --

Pinatawan ng parusang kamatayan sa Iran ang isang lalaki dahil sa pagiging ispiya ng CIA.

Sinabi ni judiciary spokesman Ghoamhossein Emaili, tinangka ng suspek na ibigay sa CIA ang mga impormasyon tungkkol sa nuclear program ng Tehran.

Kinilala ang suspek na si Amir Rahimpour kung saan binayaran ito ng malaking halaga na pera.

Hindi na nagbigay pa ng ibang impormasyon si Esmaili laban sa suspek.

Noong nakaraang taon ay inanunsiyo ng Iran ang pagkakabuwag ng CIA spy ring kung saan 17 katao ang naaresto.