Pumalpak ang panibagong pagtatangka ng North Korea na maglagay ng spy satellite sa orbit.
Ito ay matapos sumabog sa himpapawid ang Malligyong-1-1 reconnaissance satellite ilang oras matapos ianunsiyo ang planong paglulunsad nito na binatikos ng SoKor at Japan.
Ang paglalagay nga ng spy satellite sa orbit ay matagal ng prayoridad ni North Korean leader Kim Jong Un kung saan noong Nobiyembre ay nagtagumpay umano ito matapos mabigo ng 2 beses noong nakalipas na taon.
Ayon sa SoKor, nakatanggap umano ang North Korean leader ng technical assistance mula sa Russia para sa paglulunsad ng spy satellite kapalit ng pagpapadala nito ng containers na naglalaman ng mga armas para sa Moscow sa laban nito kontra sa Ukraine.
Ang pagtatangkang ito ng North Korea ay ilang oras lamang kasunod ng pagtatapos ng kauna-unahang trilateral summit ng South Korea, China at Japan mula noong 2019.