-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Sumuko ang tatlong kasapi ng rebeldeng NPA kabilang ang mag-ama sa 38th Infantry Battalion sa Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Anhouvic Atilano, Ang Commanding Officer ng 38IB, Philippine Army.

Kinilala ang mag-ama na sina alyas “‘Dennis’ at “‘Kalbo’ na kapwa myembro ng Platoon Cherrymobile ng Sub-Regional Committee Daguma.

Ayon kay Atilano, sumuko ang mga ito sa Community Support Program (CSP) Teams ng 38IB na naka deploy sa Barangay Napnapon sa Palimbang, Sultan Kudarat kung saan kasama na isinusuko ng mga rebelde ang kanilang shotgun, caliber 45 pistol at anim na rounds ng ammunition.

Habang, ang isa pang sumuko ay 37 anyos at nagsisilbing squad leader ng SRC Daguma na si alyas ‘Jose’.

Isinuko niya rin ang kanyang caliber .38 pistol at (5) rounds ng ammunition.

Ayon sa mga ito napagod na sila sa katatago sa bundok, nagugutom at pangungulila sa pamilya ang dahilan kaya’t sila ay sumuko.