-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Boluntaryong sumuko sa 8th Infantry (DEPENDABLE) Battalion ang mag-asawang rebeldeng New Peoples Army sa Brgy. Poblacion, Impasug-ong, Bukidnon.

Kinilala ang mga sumuko na sina aka Jomel, 23 years old, residente ng So. Mainaga, Brgy. Iba, Cabanglasan, Bukidnon at asawa nito na si aka Jely na siyang miyembro ng medical team ng grupo.

Ayon kay 8th Infantry (Dependable) Battalion Commanding Officer LTC. Ronald M. Illana,dala ng mag-asawa sa kanilang pagsuko ang isang hand-grenade.

Dagdag pa ni Illana na si Jomel ang siyang nagsilbing Vice Squad Leader/Team Leader ng “ABE” Squad 1, Staff Platoon, SRSDG Pedler, SRC2, Northern Central Mindanao Regional Command (NCMRC).

Napagdesisyunan ng mag-asawa na sumuko dahil ayaw nilang maranasan ng kanilang mga anak ang kanilang paghihirap sa pagsali sa partidong komunista.