-- Advertisements --

Aminado ang South Korean writer-director na si Hwang Dong-hyuk na bahagyang matatagalan bago masundan ang season 1 ng “Squid Game” series.

Pahayag ito ng direktor habang nasa MIPTV festival sa Cannes, France.

Ayon kay Direk Hwang, tatlong pahina pa lamang ang naisusulat nitong bagong script para sa nasabing Netflix violence series kaya matagal-tagal pa ang aantayin ng fans.

“I have to work on season two. Hopefully I can show it to the fans by the end of 2024,” wika nito.

Unang ginawa ni Dong-hyuk ang series bilang feature film noong 2009 at nakumbinsi namang gawan ng TV series nang pumasok ang Netflix sa South Korea noong 2016.

Gayunman, aminado ito na nahirapan siyang baguhin nang bahagya ang script sa loob lang ng pitong buwan.

“It was hell. Maybe season two will be my last series,” natatawang sambit nito.

Ang naturang survival horror-thriller drama TV series ay patungkol sa mga contestant mula sa iba’t ibang bahagi ng komunidad na maglalaban sa isang children’s games para sa malaking halaga ng pera ngunit katakot-takot ang sasapitin ng mga matatalo.