-- Advertisements --

Inilabas na ang Sugar Regulatory Administration (SRA) ang initial report nito kasunod ng isinagawang assessment sa epekto ng volcanic ash na bumagsak sa mga sugarcane plantation sa Negros Island.

Ilan sa mga ito ay ang pagkabalot ng abo ng ilang sakahan, lalo na sa hilagang bahagi ng Kanlaon tulad ng ilang mga barangay sa Bago City.

Pero sa mga sakahan sa La Castillana at La Carlota, nananatiling mababa ang bulto ng bumagsak na abo.

Kapansin-pansin din ang pagdikit ng abo sa mga dahon ng mga tubo hanggang sa mismong puno ng mga ito.

Ngayong umaga, Disyembre 11, iniulat naman ni SRA Administrator Luis Pablo Azcona na bahagyang natanggal ang mga abo sa dahon ng mga tubo dahil sa mahinang ulan.

Pinangangambahan ding mas maaapektuhan ang mga bagong tanim na tubo. Para sa mga mature o malapit nang anihing tubo na nakapitan ng abo, posibleng irekomenda na lamang umano ng SRA ang leaf burning o pagsunog sa mga dahon bago isasagawa ang pag-ani.

Sa kasalukuyan, binabantayan ng SRA ang posibilidad ng pagbagsak ng acid rain na tiyak na magpapataas sa acidity level ng mga lupang tinatamnan ng mga tubo.

Tulad noong nangyari ang June 3 eruption ng bulkan, inaasahan ding makaka-apekto ito sa target production ng asukal para sa susunod na taon.