Ipinag-utos ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang paglalaan ng lahat ng produksyon ng asukal sa crop season 2023-2024 para lamang sa domestic consumption.
Sa naging kautusan na pirmado nina SRA Administrator Pablo Azcona at ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, nakasaad dito na dapat ay gamitin lamang sa lokal na konsumo ang mga asukal mula sa mga aanihing tubo sa buong bansa.
Katwiran ng SRA, ang hakbang na ito ay magpapatiyak sa kasapatan ng supply ng asukal sa buong bansa.
Sa pamamagitan nito, mapapanatili ding matatag ang presyo ng asukal sa buong bansa, dahil sa local supply ang gagamitin.
Kasabay nito, inatasan naman ng SRA ang mga mill companies na markahan o i-classify bilang ‘B’ o Domecstic Market Sugar ang mga ipapagiling simula Sept.1 hanggang Aug 31.