Kampante ang pamunuan ng Sugar Regulatory Administration na mayroon pa ring sapat na supply ng asukal sa buong bansa.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng bagong cropping season ngayong buwan, .
Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, nananatiling mataas ang volume ng asukal sa buong bansa, at hindi na muna kailangan ng pamahalaan na mag-angkat ng dagdag-supply.
Ayon kay Azcuna, nagsimula na rin ang milling season para sa mga bagong-aning sugarcane o tubo.
Sa kasalukuyan aniya, minementene ng pamahalaan ang dalawang buwan na buffer stock, habang hindi pa naipapasok ang mga lokal na produksyon mula sa mga magsasaka, para sa Cropping Calendar 2023-2024.
Maalalang sa unang bahagi ng 2023 ay inaprubahan ng SRA Board ang pag-import ng karagdagang supply ng asukal dito sa bansa.
Sa naging desisyon ng board, nasa 150,000 metriko tonelda noong ang kinailangang bilhin sa abroad, bilang tugon sa pagbaba ng supply ng asukal sa buong bansa.
Samantala, sinabi rin ni Azcona na nag-stabilize na ang presyo ng asukal sa ibat ibang mga merkado sa buong bansa.