Inilabas na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang panibagong kautusan para sa pag-aangkat ng 240,000 metriko tonelada ng asukal bilang karagdagang supply sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng Sugar Order No 05 Series of 2023-2024.
Ang naturang SO ay pinirmahan ng limang opisyal ng bansa na kinabibilangan nina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, SRA Administrator Pablo Azcona, Alternative Ex-Officio Chair Roger Navarro, Millers’ Representative at Boadr Member Mitzi Mangwag, at Planters’ Representative at BM David Andrew Sanson.
Nakasaad sa inilabas na SO na ang aangkating asukal ay upang matuyak ang sapat na supply nito sa kabilang ng inaasahang epekto ng nakalipas na El Nino sa Crop Year 2024 – 2025.
Matitiyak umano dito na mayroong sapat na asukal ang Pilipinas para sa domestic consumption at para sa buffer stock.
Ang sugar import, batay pa rin sa SO, ay bukas sa lahat ng mga eligible participants na may lisensiya mula sa SRA International Sugar Trader.
Hindi naman lalagpas sa 240,000 MT ang aangkatin na pawang mga refined sugar.
Binibigyan naman ang mga importer ng limang araw para magsumite ng kanilang applikasyon para makapag-angkat ng bigas.
Ang pag-iisyu ng import alocations ay ilalabas naman limang araw mula sa deadline o huling araw ng pagtanggap ng mga applikasyon mula sa mga importer.