-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa gagawing imbestigasyon ukol sa pagmamanipula ng mga negosyante ng asukal.

Ayon sa SRA na maraming mga negosyante ang nagmamanipula ng presyo para sila ay kumita.

Giit ng ahensiya na mayroong sapat na suplay ng asukal ang bansa ngayong Kapaskuhan kaya dapat ay walang anumang pagtaas ng presyo ng asukal.

Ang kada kilo ng brown sugar ay naglalaro lamang ngayon dapat mula P65 hanggang P85 habang ang puting asukal ay naglalaro mula P90 kada kilo.

Nakikita rin ng SRA na sinasamantala ng mga negosyante ang sugar farmers kaya bumabagsak ang kanilang sugar farmgate price.

Una ng sinabi ni United Sugar Producers Federation of the Philippines (UNIFED) na minamanipula ng mga negosyante ang presyo ng asukal sa pamamagitan ng pagtatago ng mga nabili nilang asukal sa murang halaga at kanila naman itong ibebenta sa mas mataas na presyo.