-- Advertisements --

Nagpatupad ng Nationwide lockdown ang Sri Lanka dahil sa pagtaas ng kaso ng Delta variant at napupuno na ang mga pagamutan at morgue.

Sinabi ni President Gotabaya Rajapaksa na ang 10-araw na lockdown na epektibo ngayong Agosto 23 ay makakatulong para maiwasan ang hawaan ng nasabing variant ng COVID-19.

Ang nasabing desisyon aniya ay base na rin sa suhestiyon ng mga health experts ng bansa.

Dahil dito ay maraming mga pumila na sa pamilihan para makabili ng kanilang pagkain.