-- Advertisements --

Nagdeklara ng panibagong state of emergency si Sri Lanka’s President Gotabaya Rajapaksa.

Ito ay dahil sa patuloy ang nagaganap na kilos protesta na naapektuhan ang paaralan, negosyo at transportasyon.

Dahil dito ay aarestuhin ang mga magsasagawa ng kilos protesta na humaharang sa kalsada.

Ang nasabing hakbang ay kailangan na maaprubahan ng Sri Lanka parliament sa loob ng 14 na araw.

Mula pa noong Marso ay sumiklab ang kilos protesta dahil umano sa krisis na nararanasan ng nasabing bansa.

Inaalmahan ng mga mamamayan doon ang maling pamamalakad ng kanilang gobyerno.

Magugunitang unang ipinatupad ang state of emergency noong Abril 1 pero ito ay tinanggal matapos ang limang araw.

Isinisigaw ng mga protesters ang pagbaba sa puwesto ni Rajapaksa.