Sinimulan na ng Parliament ng Sri Lanka ang pagboto ngayong araw para sa bagong Pangulo na papalit sa tumakas na dating Pangulong Goatabaya Rajapaksa.
Base sa mga analyst, ang frontrunner sa naturang posisyon ay ang 6-time former prime minister Ranil Wickremesinghe na kasalukuyang tumatayong acting president matapos magbitiw si Rajapaksa.
Suportado ng largest bloc na may 255 miyembro ng parliament si Wickremesinghe, ito ang SLPP na partido ni Rajapaksa.
Subalit taas kilay naman ang mga protesters sa acting president na kanilang pinagbibitiw din sa pwesyo dahil kanilang nakikita na kaalyado siya ni Rajapaksa. Naniniwala din ang mga ito na sakaling mahalal ito bilang Pangulo ay kaniyang proprotektahan ang interes ni Rajapaksa.
Samantala, ang opponent naman ng acting president ay isang dating education minister at dating journalist na si Dullas Alahapperuma.
Nangako ito na bumuo ng isang aktwal na consensual na pamahalaan sa unang pagkakataon sa ating kasaysayan.
Ang ikatlong kandidato naman ay si Anura Dissanayake na leader ng leftist People’s Liberation front kung saan ang kaniyang kaalyado ay nakakuha ng tatlong upuan sa parliament.
Ang mahahalal na bagong Pangulo ay manantili sa pwesto hanggang sa November 2024.
-- Advertisements --