Sinusubukang muli ng Sri Lanka na buhayin ang turismo sa kanilang bansa matapos ang naganap na Easter Bombing noong April 21 ngayong taon.
Ilang hotels sa bansa ang binabaan na hanggang 50% ang bawat kwarto na pwedeng paglagian ng mga turista.
5% ng gross domestic product ng Sri Lanka ay nakukuha mula sa turismo ngunit bigla itong bumagsak matapos ang pag-atake ng mga terorista sa mga mamahaling hotels at simbhan na naging sanhi nang pagkamatay ng 250 katao kasama na ang 40 foreigners.
Naglabas naman ng travel advisories ang ilang bansa tulad ng England, India at United States upang magbigay babala sa kanilang mga mamamayan na kung hangga’t maaari ay iwasan munang bumisita sa mga kilalang karagatan at ancient Buddhist temples sa naturang bansa. Naging sanhi ito ng maraming kanselasyon ng flights.
Magsasagawa naman ang Sri Lanka ng international sporting event upang hikayatin muli ang mga turista. May ilang SriLankan Airlines naman ang nag-aalok ng mababang air fares.