-- Advertisements --
Nanawagan ang gobyerno ng Sri Lanka sa Britain na kunin nila pabalik ang mga basurang itinambak sa kanila.
Dumatin ang mga basura na nakalagay sa container mula pa noong 2017.
Naglalaman ang mga ito ng mga matress, diapers, syringes at iba pa.
Sinabi ni Sri Lanka Customs Department spokesman Sunil Jayaratne na ang ibang mga basura hindi na matukoy dahil na rin sa ito ay lubusang nabulok na.
Ayon naman sa Environment Agency ng United Kingdom na kanilang iimbestigahan kung paano napunta sa Sri Lanka ang may 111 na container na basura.
Hinihintay muna nila ang pormal na request ng Sri Lanka para sila ay gumalaw at maibalik ang nasabing mga basura.