Patuloy pa rin ang paggiit ni Sri Lanka Prime Minister Ranil Wickremesinghe na wala itong alam sa inilabas na babala patungkol sa ginawang pagsabog sa Sri Lanka.
Ito ay matapos magbitiw sa pwesto ng police chief at top defence ministry ng bansa.
Naniniwala si Wickremesinghe na dahil sa hindi niya alam ang nasabing babala, hindi niya rin kailangan na bumaba sa pwesto.
“If we had any inkling, and we had not taken action, I would have handed in my resignation immediately,” ani Wickremesinghe.
Ang nasabing miskomunikasyon na ito ay mas lalong pumukaw ng pansin sa hindi umano pagkakasundo sa pagitan nina Wickremesinghe at Sri Lankan President Maithripala Sirisena.
Samantala, kinumpirma naman ni Sirisena na pinaniniwalaang halos 130 suspek ang may koneksyon sa Islamic State group o ISIS at 70 katao na ang inaresto ng mga pulis.