-- Advertisements --
sri lanka shootout

COLOMBO, Sri Lanka – Nagmatigas ang hepe ng pambansang pulisya sa Sri Lanka na hindi magbitiw sa pwesto kasunod ng hiling ni President Maithripala Sirisena matapos ang kaso ng suicide bombings sa bansa.

“He (police inspector general Pujith Jayasundara) has refused to resign despite the president’s request,” ayon sa mga sources.

Sa ilalim ng Saligang Batas ng Sri Lanka, tanging mga miyembro lang ng parliament ang maaaring makapagpatanggal sa pwesto ng police chief.

Nauna ng nagbitiw sa pwesto si Defense Sec. Hemesiri Fernando.

Habang pinagiisipan pa raw ni Jayasundra ang posibilidad na sumunod sa kalihim.

Kung maaalala, higit 250 katao ang namatay sa nakaraang pagpapasabog sa isang simbahan at hotel.

Isinisi ni Sirisena ang insidente sa hindi umano pagbibigay babala ng dalawang opisyal sa posibilidad ng suicide attack.(Reuters)