-- Advertisements --

Sinalubong ng kilos protesta sa Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa matapos na ito ay tumakas at nagtungo sa Maldives.

Mayroong dalang mga watawat at placards ang mga expatriates na mga Sri Lankan at pinapalayas sa Maldives si Rajapaksa.

Hinikayat ng mga protesters ang gobyerno ng Maldives na palayasin ang pangulo ng Sri Lanka.

Agad naman na naharang ng mga kapulisan sa Maldives ang mga protesters na makalapit kay Rajapaksa.

Inaasahan na magtutungo sa United Arab Emirates o sa Singapore ang Sri Lankan president.

Magugunitang tumakas lulan ng military jet si Rajapaksa kasama ang kaniyang maybahay matapos ang pagsiklab ng kilos protesta dahil sa patuloy krisis sa ekonomiya.