-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang paghahanap ng mga otoridad sa 140 pang katao na pinaniniwalaang may kinalaman sa Islamic State group na una ng umako na responsable sa pagpapasabog sa mga hotel at simbahan noong Linggo.

Hinikayat naman ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena na magdasal na lamang muna ang mga Sri Lankan sa kani-kanilang mga tahanan at umiwas muna pansamantala sa mga simbahan o mosque.

Ito ay matapos magbigay babala ng State Intelligence Services sa posible pang serye ng pagpapasabog sa bansa.

Nananatili umanong mapanaganib sa Sri Lanka matapos ang suicide bombing sa tatlong simbahan at apat na hotels na ikinasawi ng daan-daang sibilyan.