Kinumpirma nitong araw ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na tumaas ang suggested retail prices ng ilang brands ng sardinas, noodles, at mga condiments.
Sa isang panayam, sinabi ni Lopez na ang pagbabago sa presyo ng naturang mga bilihin ay resulta ng pagtaas ng presyo naman ng materyales na ginagamit sa mga produktong ito.
Pero sinabi ng kalihim na sa 24 na brands ng sardinas, pito lamang daw dito ang nagtaas ng presyo kabilang na ang tamban sardines.
Sa ngayon, patuloy aniya ang monitoring ng DTI sa 250 stock keeping units (SKUs) ng ilang piling grocery items.
Dagdag pa nito, ang ilang SRP ng instant noodles ay tumaas din mula sa P.20 hanggang P.50 dipende na rin sa brand.
Ang ilang brands ng condiments, katulad ng patis, toyo, at suka, pati na rin mga kandila ay tumaas na rin.