-- Advertisements --

Magpapatupad ng panibagong suggested retail price (SRP) ang gobyerno sa lahat ng mga imported at lokal na bigas sa merkado.

Ito ang napagkasunduan ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Agriculture (DA), Department of Finance (DoF) at Department of Trade and Industry (DTI).

Inaasahan na ilalabas ang SRP sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na pagbabasehan nila ang landed cost para sa mga imported na bigas habang sa market price naman sa lokal na palay.

Nilinaw nito na kaya marami ang imported na bigas sa pamilihan ay dahil sa ipinapatupad na rice tarification law.

Inilhalimbawa ng kalihim ang magkakaibang presyo ng mga imported na bigas gaya ng Thailand na mayroon P23.00 kada kilo, habang sa Vietnam ay P25.00 at sa Myanmar ay P18.00 pero mataas pa rin ang bentahan sa palengke.