-- Advertisements --
usec castelo faceshield

Inilabas na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products ngayong 2020.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, napakiusapan nila ang mga manufacturers na ang gagamiting presyo ngayong taon ay parehas din noong 2019.

Isa aniya itong paraan para matulungan ang mga consumers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Maipapatupad ang nasabing presyo sa Disyembre 15 dahil sa nasabing panahon ay doon marami ang namimili para sa kanilang mga handa.

Halimbawa lamang sa mga Noche Buena products na kabilang sa DTI SRP list ay mga ham, fruit cocktail, cheese, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, spaghetti pasta, elbow and salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, creamer at iba pa.

Samantala, mayroon namang inilaan ang ahensiya ng hanggang limang araw para i-adjust ng mga ahensiya ng kanilang mga presyo.

Tiniyak din ng DTI na mahigpit nilang babantayan ang mga negosyante kung ito ba ay naipapatupad ng tama.

noche buena srp DTI