-- Advertisements --

Sa kalagitnaan pa ng buwan ng Nobyembre ilalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang suggested retail price (SRP) ng mga noche buena products.

Sinabi ni DTI Fair Trade Group supervising head Assistant Secretary Agaton Uvero , na mayroong kabuuang 237 ng mga produkto ang sakop ng nasabing price guide.

Paglilinaw din nito na hindi ang kanilang opisina ang naglalagay ng mga SRP ng nasabing mga produkto.

Sa inisyal na pagbabantay nila ay halos kalahati ng nasabing mga produkto ang hindi nagtaas ng kanilang presyo.

Magugunitang noong nakaraang taon ay mayroong 152 sa 240 na mga noche buena products ang nagtaas ng kanilang presyo.