-- Advertisements --
Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na epektibo pa rin ang Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin na kanilang inilabas noon pang Pebrero.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual na humihirit na ang mga iba’t-ibang manufacturers ng dagdag na taas presyo ng kanilang produkto.
Dagdag pa ng kalihim na kanilang pinag-aaralan pa rin ang nasabing hirit dahil mahailaga na mabalanse ang interes ng bawat sektor at mapangalagaan ang mga karapatan ng mga mamimili.
Patuloy din ang pag-iikot ng DTI sa mga pamilihan para matiyak na nasusunod ang itinakda nilang SRP.
Hinikayat din ni Pascual ang publiko na isumbong sa kanila ang alinmang mga pamilihan na magpapatupad ng taas presyo na hindi nila aprubado.