Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang pagtatakda ng Suggested Retail Price o SRP sa bigas.
Ito ay upang mapanatili ang abot kaya ang presyo nito sa gitna ng patuloy na pagmahal ng bigas sa mga pamilihan.
Ayon kay Assistance Secretary Arnel De Mesa tagapagsalita ng kagawaran, sinisimulan na ang mga hakbang kaugnay sa SRP kabilang na ang pagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholder.
Saad pa ng opisyal na hindi pa nito masabi kung magkano ang itatakdang SRP sa bigas.
Aniya ang SRPs ay depende sa iba’t ibang salik bago ito isapinal at sa huli ay isapubliko.
Samantala, iniulat naman ng Philippine Statistic Authority na bumilis ang rice inflation sa 19.6% noong nakaraang buwan mula sa 15.8% noong November 2023.
Ito ang pinakamabilis na inflation print para sa food staple sa loob ng 14 taon o magmula noong March 2009, nang maitala ang rice inflation sa 22.9%.