-- Advertisements --

Humihirit ang National Federation of Hog Raisers na maglagay na lamang ng Suggested Retail Price sa mga presy ng karne ng baboy.

Ayon sa pangulo ng grupo na si Chester Tan na ang SRP ay doon ibabatay sa suplay and demand.

Kapag mayroon ng SRP ay maaari ng tanggalin ang price cap dahil tila kinokontrol ang nasabing presyo.

Nauna ng nagpataw ang gobyerno ng mula P270 hanggang P300 sa kada kilo ng karne ng baboy bilang price cap matapos na umabot ito sa mahigit P400 sa kada kilo ng baboy.