-- Advertisements --
Porac, Pampanga quake church
St. Catherine Church in Porac, Pampanga damaged by 6.1 magnitude quake (photo by Bombo Christian Yosores)

Kinalampag ng isang kongresista ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na mag-inspeksyon sa mga school buildings sa mga lugar na apektado ng magkakahiwalay na malakas na pagyanig sa mga nakalipas na araw.

Kahapon, Abril 23, tumama sa Eastern Visayas ang magnitude 6.5 na lindol o isang araw lamang pagkatapos ng pagyanig sa Luzon na umabot sa magnitude 6.1 kung saan maraming imprastraktura ang nasira o naapektuhan kabilang na ang Emilio Aguinaldo College sa Manila.

Iginiit ni Committee on Higher & Technical Education Vice Chairman Bong Belaro na isama sa mga dapat inspeksyunin ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga school building sa apektadong mga lugar.

“I ask the DepEd and CHED to send out their field personnel for coordination with LGUs and Bureau of Fire Protection on the safety inspections,” ani Belaro.

“Safety of our students and teachers must be paramount during and right after calamities,” dagdag pa nito.

Dapat aniya na matiyak na ligtas pa ring gamitin ng mga mag-aaral sa darating na pasukan ang kanilang mga school buildings kasunod ng mga malakas na pagyanig kamakailan.