Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga opisyal ng Social Security System (SSS) kung papaano mapapadali makapagproseso ang mga miyembro habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.
Gayundin naman tiniyak ng Pag-IBIG Fund na mag-aanunsiyo rin sila kung papaano makaka-avail ng calamity fund at loans ang mga apektadong miyembro ng krisis na dala ng coronavirus disease.
Ipinaalala ni SSS VP for Public Affairs and Special events Division Fernando Nicolas, na ang mga miyembro ay kuwalipikado ng calamity loan lalo na kung nagdeklara na ang NDRRMC, ang mga nawalan ng trabaho ay pwede rin sa unemployment insurance at sa mga nagkasakit dahil sa COVID-19 ay nandyan din ang sickness benefits.
Para naman sa Pag-IBIG, nag-aalok din sila ng calamity loan o kaya multi-purpose loan sa mga members na mababa lamang ang rate ng hanggang 5.9 percent per annum na interes.
Ang iba pang mga benepisyo at katanungan ay maaaring tingnan lamang sa kanilang official website.