-- Advertisements --
Opisyal nang kapartner ng Social Security System ang Quirino Memorial Medical Center bilang bagong KaSSSangga Collect Partner. Ito’y matapos na pumirma ang dalawa sa isang Memorandum of Agreement para sa naturang programa.
Sa pamamagitan ng nasabing kasunduan, magiging self-employed members na ng SSS ang 200 job order pati na ang mga contract of service workers.
Kabilang rin sa magiging self-employed members ng SSS ay ang aabot sa 1,500 na mga medical professionals.
Sa ilalim rin nito, ang Quirino Memorial Medical Center ay magiging authorised coverage at collection partner ng SSS.
Sila ay magkakaroon ng mandatong magkolekta at magremit ng monthly contribution ng mga miyembro ng SSS sa pamamagitan ng salary-deduction scheme.