-- Advertisements --

Nagbabala ang Social Security System (SSS) sa publiko tungkol sa isang phishing scheme na nangangalap umano ng mga personal na impormasyon upang i-update ang membership records.

Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na nagpapanggap umanong mga empleyado nila ang nasa likod ng nasabing mga aktibidad na humihingi ng mga impormasyon gaya ng mobile numbers at email addresses.

Iginiit ng SSS na hindi kailanman nila hihingin ang mga personal na data ng kanilang mga miyembro sa pamamagitan ng direct request via email, SMS, phone calls o via social media.

Kaya naman hiniling ng SSS sa kanilang mga miyembro na maging mapagmatyag at iwasang ibigay ang kanilang mga personal information sa mga hindi beripikadong sources.

Ang mga transaksyon anila ay ginagawa lamang sa kanilang official branches at mga accredited na partner agents, o sa mga online self-service facilities.