-- Advertisements --

Aabot sa P90.2 billion na mga benepisyo ang naipamahagi na ng Social Security System (SSS) sa unang limang buwan ng 2021.

Ang nasabing halaga ay nabenepisyuhan ang nasa 3.46 milyon na miyembro, pensioners at mga benipesaryo.

Tumaas din ang benefit disbursement mula Enero hanggang Mayo na mayroong 13.3 percent na pagtaas mula sa P79.93 bilyon na nailabas noong 2020.

Ayon kay SSS president and CEO Aurora Ignacio na ang pagtaas ng membership ay siyang nagiging dahilan ng pagtaas ng mga benepisyong nailalabas.

Sa ilalim din ng kanilang employees compensation program ay nakapaglabas ang SSS ng P426 milyon na death benefits para sa 16,492 benepersaryo, P78 milyon disability benefits para sa 2,044 members, P98 milyon sickness benefits para sa 11,663 member , P2 milyon para sa medical services ng 393 member at P3-milyon funeral benefits ng 114 claimants.