CENTRAL MINDANAO-Number Coding System na ang magiging sistema ng transaction para sa mga miyembro ng Social Security System sa KIdapawan City.
Magiging sistemang ipatutupad ng SSS ang huling numero ng SSS number ng miyembro para sa mga itinakdang araw.
1 and 2 tuwing Lunes, 3 and 4 Martes, 5 and 6 Miyerkules, 7 and 8 Huwebes at 9 and 0 Biyernes.
Ang bagong sistema ay ipinatupad kontra pagkalat ng COVID19.
Ipatutupad din ang DROP BOX System sa SSS kung saan ay ipagbibigay alam ng ahensya sa mga member-claimants ang status ng kanilang transaction sa pamamagitan ng text messaging sa cell phone.
Maliban sa mga nabanggit at magpapatupad din ng minimum health protocols ang SSS para sa lahat tulad ng:mandatory na pagsusuot ng face mask, thermal scanning, hand sanitation, isang metrong physical distancing sa loob at labas ng kanilang tanggapan at ang pagsusulat sa contact tracing log book para sa mga kliyente.
Pinatupad ang number coding system simula kahapon Agosto 17, 2020.