-- Advertisements --
Hindi tumitigil ang Social Security System (SSS) sa pagsita ng mga employers ng hindi nagbabayad ng SSS contributions ng kanilang empleyado.
Sa programa nila ng Run Against Contribution Evaders ay nabigyan ng notice of violations ang 10 employers sa Novaliches, Quezon City.
Ayon kay Fernando Nicolas, Vice President ng SSS NCR North Division, na ang nasabing mga employers ay non-compliant sa pagbabayad ng SSS contributions ng kanilang empleyado.
Dagdag pa nito na magkakaroon ng epekto sa benepisyo ng miyembro hindi pag-remit ng mga employers ng kanilang contributions.
Giit nito na patuloy ang kanilang ginagawang pagbisita sa mga kumpanya para matiyak na nasusunod ang pagbabayad nila ng tamang kontribusyon sa mga empleyado.