-- Advertisements --
Nilinaw ng Social Security System (SSS) na hindi nila inilalagay ang pension fund sa mga delikadong investments.
Ayon kay SSS President and CEO Rolando Macasaet, na sila lamang ay nag-iinvest sa mga proyekto kung saan ang Maharlika Investment Corporation (MIC) ay namumuhunan din.
Ang nasabing mga proyekto aniya ay alam nilang kumikita at ito ay matagal ng mga proyekto.
Pagtitiyak na mayroon silang mahigpit na panuntunan kung saan inilalagay nila ang mga pension fund.