-- Advertisements --

Nag-alok ang Social Security System (SSS) ng conditional loan condonation program na maaring matanggal na ang mga naipong penalties sa mga borrowers.

Ayon sa SSS na ang mga borrowers na mayroong mga past due na short-term loan ay maaaring makapag-apply ng Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP).

Ang nasabing programa ay bilang bahagi ng Pandemic Relief and Restructuring Program na iniaalok ng ahensiya.

Sinabi naman ni SSS president at Chief Executive Aurora Ignacion na ito ang tugon nila sa mga miyembro na lubos na apektado ng pandemiya.