Sisimulan sa buwan ng Enero ng Social Security System (SSS) ang pamamahagi ng loan assistance package sa mga miyembro nila na nasalanta ng bagyong Odette.
Sinabi ni SSS president and chief executive Aurora Cruz-Ignacio na naglabas na sila ng circular ukol sa nasabing usapin.
Magsisimula silang tumanggap ng aplikasyon ng mga loans sa simula Enero 14, 2022.
Ang calamity loan ganun din ang three-month advance pension para sa social security (SS) at employee’ compensation (EC) pensioners ay maaari nilang tanggapin ng hanggang Abril 12, 2022.
Habang ang direct house repair at improvement loan ay kanilang iniaalok ng hanggang isang taon na magtatapos ng Enero 13,2023.
Paglilinaw ni Ignacio na tanging mga miyembro lamang na mula sa lugar kung saan idineklara ni President Duterte na nasa state of calamity.