-- Advertisements --
SSS office

Muling pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang deadline sa pagbabayad ng mga employers ng contribution payments hanggang June 15, 2020.

Ayon kay SSS president at CEO Aurora Ignacio, ang kanilang hakbang ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro at employers na makahabol pa sa pagbabayad lalo na at naabala dulot ng coronavirus pandemic.

Ang bagong extension ay sumasakop sa mga contribution payments ng lahat ng mga household employers, mga self-employed, voluntary at non-working spouse members para sa first quarter ng taong ito at mga contribution payments ng lahat ng mga regular employers para buwan ng Pebrero, Marso at April.

Nagpaalala rin naman ang SSS sa mga employers na may approved installment proposals sa ilalim ng Contribution Penalty Condonation Program ay meron din hanggang June 15, 2020 para magdeposito ng kanilang mga post-dated checks para sa mga buwan ng Pebrero, Marso, Abril hanggang Mayo 2020.

Kasabay nito, nanawagan si Ignacio sa mga miyembro at employers na ‘wag nang antayin pa ang last minute sa pagbabayad ng kanilang contributions dahil maaari namang gawin ito sa pamamagitan ng online at mobile payment facilities, liban pa ito sa mga over the counter transactions.

“Individual members can pay their contributions through Moneygment at the My.SSS web portal on our website, PayMaya through the SSS Mobile App, Bayad Center Mobile App, or through the online banking facility of Security Bank for those who have a deposit account with them,” ani Ignacio. “Regular employers can also pay through bank web facilities such as the Bank of the Philippine Islands – Bizlink, Security Bank Corporation Digibanker, Union Bank of the Philippines, or through the eGov BancNet online. Household employers, on the other hand, can pay through the Security Bank Corporation Digibanker.”