Binuksan ng Social Security System (SSS) ang Calamity Loan Assistance para sa mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Carina.
Kabilang sa mga maaaring mag-apply dito ay ang mga residente sa NCR at iba pang mga lugar sa buong bansa na sunod-sunod na ring nagdeklara ng state of calamity.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, maaaring makapag-apply ang mga miyembro mula sa naturang mga lugar, ng katumbas ng isang buwang sahod o hanggang P20,000 na maximum.
Maaari aniyang gamitin ang My.SSS Account mula sa webstie ng naturang ahensiya.
Ang naturang calamity assistance ay alok ng ahensiya para matulungang makabangon ang mga pribadong empleyado na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Carina at Habagat.